
Taas kamaong pagpupugay sa ating mga manggagawa na patuloy na nagsisilbing lakas at pundasyon ng ating lipunan! Sa kabila ng mga hamon ng pandemya at patuloy na panggigipit ng administrasyon, hindi patitinag ang ating mga manggagawa sa pagsulong ng kanilang mga batayang karapatan, tulad ng pagkakaroon ng makatwirang sahod at pagkakaroon ng pantay na kakayanang makapagtrabaho.
Kasama sa panawagang ito ang pagsulong sa karapatan ng mga manggagawang lubusang pinagkaitan ng oportunidad ngayong pandemya. Sapat na ayuda at akses sa mga serbisyong pangkalusugan—ilan lang ito sa mga serbisyong dapat na natatamasa ng ating lakas paggawa. Lubos na pagkilala sa mga kultural na manggagawang patuloy na isinasabuhay at ibinabahagi ang mga layunin at naisin ng kalakhang bahagdan ng lipunang Pilipino.
Tumitindig ang Umalohokan Inc. kasama ang ating mga manggagawa sa paniningil sa baluktot na sistemang binuo ng administrasyon. Ang paghamak ng lakas paggawa na makamit ang kanilang mga batayang karapatan ay paghubog ng isang tunay na maka-Pilipinong lipunan.




