Taas kamaong pagpupugay sa ating mga manggagawa na patuloy na nagsisilbing lakas at pundasyon ng ating lipunan! Sa kabila ng mga hamon ng pandemya at patuloy na panggigipit ng administrasyon, hindi patitinag ang ating mga manggagawa sa pagsulong ng kanilang mga batayang karapatan, tulad ng pagkakaroon ng makatwirang sahod at pagkakaroon ng pantay na kakayanang makapagtrabaho.
Kasama sa panawagang ito ang pagsulong sa karapatan ng mga manggagawang lubusang pinagkaitan ng oportunidad ngayong pandemya. Sapat na ayuda at akses sa mga serbisyong pangkalusuganβilan lang ito sa mga serbisyong dapat na natatamasa ng ating lakas paggawa. Lubos na pagkilala sa mga kultural na manggagawang patuloy na isinasabuhay at ibinabahagi ang mga layunin at naisin ng kalakhang bahagdan ng lipunang Pilipino.
Tumitindig ang Umalohokan Inc. kasama ang ating mga manggagawa sa paniningil sa baluktot na sistemang binuo ng administrasyon. Ang paghamak ng lakas paggawa na makamit ang kanilang mga batayang karapatan ay paghubog ng isang tunay na maka-Pilipinong lipunan.
βNag-positive ang isang kasama sa bahay, at nangangamba na para sa kalusugan ng buong pamilya. Kinakailangan ng agarang aksyon ngunit nakikisabay ang mga tila mas ‘pressing’ na deadlines. Mabigat na ang sitwasyon ngunit dumadagdag pa ang mabibigat na academic workload.β
Ilan lamang iyan sa mga kahabag-habag na testamento mula sa mga mag-aaral ng UPLB. Kaliwa’t kanan na rin ang hinaing at kaparehas na mga sentimento ng ating mga kaguruan at iba pang nasasakupan ng paaralan. Dagdag pa rito ang mas lumalalang krisis na kinakaharap ng mga mamamayang Pilipino dulot ng palpak at pasistang pagtugon ng Rehimeng Duterte sa kasalukuyang pandemya.
Kung kayaβt kasamang tumitindig ang Umalohokan Inc. sa kolektibong panawagan sa pagsulong ng agarang Academic Ease. Bilang isang organisasyon na mula sa masa at para sa masa, naniniwala ang organisasyon na dapat walang mag-aaral at guro ang maiiwan, bagkus hindi dapat nalalagay sa alanganin ang kanilang mga kalagayan. Sa ganitong malupit na sosyo-pulitikal na sitwasyon ng bansa, kinakailangang alamin ng UP administration, kasama ang DepEd at CHED, na napakahalaga ng kapakanan ng kaestudyantehan at kaguruan.
πππππππ ππ ππππππ. ni Angelo Aurigue
November 26, 1972
Mahal,
Sorry kung hindi tayo makapagkita nang madalas. Hatid sundo kasi ako ni daddy ngayon. Hindi rin kami gaano pinapagamit ng phone gawa ng maraming tawag mula sa mga tao sa munisipyo. Kumusta ka? Sila tita? Dumadami ang naggugulo sa may bandang Espanya. Sabi ni daddy, nanghuhuli na rin ng mga nasa labas pa pagkatapos ng curfew. Mag iingat kang palagi, magkita na lang tayo ng miyerkules pagkatapos ng klase.
Mahal kita,
Lia
November 30, 1972
Lia,
Mahal, nabalitaan mo na ba? Hindi pa rin umuuwi si Mateo sa kanila. Nakakapagalala lang kasi huling kita ko sa kanya nung magkakasama pa tayo noong Martes. Kasama ata siya sa mga nag organisa ng protesta sa campus kahapon. Natatakot ako, mahal pero mas nakababahala ang mga nangyayari. Nakakabahalang manahimik na lang sa gitna ng lahat ng nangyayari.Kapag hindi pa umuwi si Mateo bukas, baka ako na mismo maghanap sa kanya. Magpapasama na lamg ako kay Obet. Magtatanong tanong din ako sa mga kakilala ko sa mga nagpoprotesta.
Mga likhang sining-biswal para sa buwan ng Setyembre
πππ πππ ππππ ni Saboba
Matagal ko nang inasam na makalikha ng isang pamprotestang sining, kaya nung nabigyan ako ng unang pagkakataon para dito, nilubos ko na yung opportunidad. “Eat the Rich” ay galing sa kasabihan ni Jean-Jacques Rousseau’s na “When the people shall have nothing more to eat, they’ll eat the rich.”
Ang larawan na ito ay naglalaman na reperensiya galing sa iba’t ibang bagay tulad ng sandamakmak na koleksyon ng sapatos ni Imelda Marcos, pati na din ang keyk na inspirado mula sa kontrobersyal na bestida na ginawa ni Mak Tumang para kay Imee Marcos noong SONA 2019. Nawa’y habang ginugunita natin ang isa sa pinakamasang panahon sa ating kasaysayan ay hindi natin makalimutan ang karahasang dinasa.
πππ πππππππ ni Jay Dul-loog
Noong kamakailan lamang ay napanood ko yung pelikulang βBlindspottingβ, at hindi ko maiwasang makita ang pagka katulad ng abuso ng mga pulis sa Amerika sa mga pulis ng sarili nating bansa; mula noon hanggang ngayon. Ang mga inosenteng buhay na inabuso at pinatay nang walang pinag-iisipan dahil lamang silaβy mahihirap, o kaya naman kritikal sa mga mali ng gobyerno.
Mapapaisip ka na lang kung sino talaga ang kanilang pinoprotektahan, hindi ba?
πππ ππππππ ni Gamooshara
Ang mga patak ng luhang nagmula sa hinagpis ng nakaraan man ay natuyo sa paglipas ng araw, nananatili ang bakas ng sugat, kalakip ang lagim na alaala, sa ating inang lupa