Categories
September 2020

Mga likhang sining-biswal para sa buwan ng Setyembre

𝐄𝐀𝐓 𝐓𝐇𝐄 π‘πˆπ‚π‡ ni Saboba

Matagal ko nang inasam na makalikha ng isang pamprotestang sining, kaya nung nabigyan ako ng unang pagkakataon para dito, nilubos ko na yung opportunidad. “Eat the Rich” ay galing sa kasabihan ni Jean-Jacques Rousseau’s na “When the people shall have nothing more to eat, they’ll eat the rich.”

Ang larawan na ito ay naglalaman na reperensiya galing sa iba’t ibang bagay tulad ng sandamakmak na koleksyon ng sapatos ni Imelda Marcos, pati na din ang keyk na inspirado mula sa kontrobersyal na bestida na ginawa ni Mak Tumang para kay Imee Marcos noong SONA 2019. Nawa’y habang ginugunita natin ang isa sa pinakamasang panahon sa ating kasaysayan ay hindi natin makalimutan ang karahasang dinasa.

πŒπ†π€ π‡π€π‹πˆπŒπ€π– ni Jay Dul-loog

Noong kamakailan lamang ay napanood ko yung pelikulang β€œBlindspotting”, at hindi ko maiwasang makita ang pagka katulad ng abuso ng mga pulis sa Amerika sa mga pulis ng sarili nating bansa; mula noon hanggang ngayon. Ang mga inosenteng buhay na inabuso at pinatay nang walang pinag-iisipan dahil lamang sila’y mahihirap, o kaya naman kritikal sa mga mali ng gobyerno.

Mapapaisip ka na lang kung sino talaga ang kanilang pinoprotektahan, hindi ba?

𝐀𝐍𝐆 πŒπ€ππ“π’π€ ni Gamooshara

Ang mga patak ng luhang nagmula sa hinagpis ng nakaraan man ay natuyo sa paglipas ng araw, nananatili ang bakas ng sugat, kalakip ang lagim na alaala, sa ating inang lupa

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started