Categories
September 2020

πŒπ†π€ ππ€π†π–π€π‘πˆ ni Maureen Dames

Hamog sa bukang-liwayway at wala nang makita

Pagdating ng umaga’y pilit gisingin, ganoon pa rin ang putla

Mga kasama sa paligid tagong lumalaban

Ingat ka, kaibigan, tayo’y magkikita pa

~

Mga berdugong luntian at asul na nagmamartsa hanggang takipsilim

Walang takot kumitil at magpadanak ng dugo

Sa isang utos ng pinuno, isang salita, isang kumpas

Para sa kapalit na salaping ikalulunod nila

Paghihirap, mga kulubot sa kamay na mula sa pagbubungkal

Pagpapatahimik, mga busal na sa mga labi inilalagay

Pagtitiis, mga hirit mula sa mabibigat na kamay na pilit iniilagan at tinatakpan

~

Pagtatago, tinatakasan ang mga bigat ng paang nagmamartsa at pagkiskis ng gatilyo

Dahas, pagsabog, halakhak, karahasan

Pangako ay pagtigil sa pangungurakot

Sakit, pag-iwas, sigaw, kapabayaan

Hindi na karapatan ang inaalagaan, kundi pansariling balak

~

Hindi manikin ang taong kaya manlinlang

Dahil pagsapit ng panahong magising sa katotohanan

Gabi ay liliwanag, walang alapaap na haharang

Sa isang sigaw ng paglaya ay mga luhang mapagpalaya.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started