Categories
STATEMENTS

#MayoUno2021

Gawa ni Kovi

Taas kamaong pagpupugay sa ating mga manggagawa na patuloy na nagsisilbing lakas at pundasyon ng ating lipunan! Sa kabila ng mga hamon ng pandemya at patuloy na panggigipit ng administrasyon, hindi patitinag ang ating mga manggagawa sa pagsulong ng kanilang mga batayang karapatan, tulad ng pagkakaroon ng makatwirang sahod at pagkakaroon ng pantay na kakayanang makapagtrabaho.

Kasama sa panawagang ito ang pagsulong sa karapatan ng mga manggagawang lubusang pinagkaitan ng oportunidad ngayong pandemya. Sapat na ayuda at akses sa mga serbisyong pangkalusugan—ilan lang ito sa mga serbisyong dapat na natatamasa ng ating lakas paggawa. Lubos na pagkilala sa mga kultural na manggagawang patuloy na isinasabuhay at ibinabahagi ang mga layunin at naisin ng kalakhang bahagdan ng lipunang Pilipino.

Tumitindig ang Umalohokan Inc. kasama ang ating mga manggagawa sa paniningil sa baluktot na sistemang binuo ng administrasyon. Ang paghamak ng lakas paggawa na makamit ang kanilang mga batayang karapatan ay paghubog ng isang tunay na maka-Pilipinong lipunan.

Categories
STATEMENTS

NO STUDENT LEFT BEHIND! WALANG IWANAN UPLB, ACADEMIC EASE NOW!

Gawa ni Gamooshara

“Nag-positive ang isang kasama sa bahay, at nangangamba na para sa kalusugan ng buong pamilya. Kinakailangan ng agarang aksyon ngunit nakikisabay ang mga tila mas ‘pressing’ na deadlines. Mabigat na ang sitwasyon ngunit dumadagdag pa ang mabibigat na academic workload.”

Ilan lamang iyan sa mga kahabag-habag na testamento mula sa mga mag-aaral ng UPLB. Kaliwa’t kanan na rin ang hinaing at kaparehas na mga sentimento ng ating mga kaguruan at iba pang nasasakupan ng paaralan. Dagdag pa rito ang mas lumalalang krisis na kinakaharap ng mga mamamayang Pilipino dulot ng palpak at pasistang pagtugon ng Rehimeng Duterte sa kasalukuyang pandemya. 

Kung kaya’t kasamang tumitindig ang Umalohokan Inc. sa kolektibong panawagan sa pagsulong ng agarang Academic Ease. Bilang isang organisasyon na mula sa masa at para sa masa, naniniwala ang organisasyon na dapat walang mag-aaral at guro ang maiiwan, bagkus hindi dapat nalalagay sa alanganin ang kanilang mga kalagayan. Sa ganitong malupit na sosyo-pulitikal na sitwasyon ng bansa, kinakailangang alamin ng UP administration, kasama ang DepEd at CHED, na napakahalaga ng kapakanan ng kaestudyantehan at kaguruan.

Design a site like this with WordPress.com
Get started